Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 6:9-12

Mga Hebreo 6:9-12 ASD

Mga minamahal, kahit na ganito ang sinasabi namin, naniniwala kaming nasa mas mabuti kayong kalagayan tungkol sa inyong kaligtasan. Makatarungan ang Diyos, at hindi niya magagawang kalimutan ang inyong gawa at ang pagmamahal na ipinakita ninyo sa kanya at patuloy na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapwa hinirang ng Diyos. Nais naming patuloy na maging masigasig ang bawat isa sa inyo sa pag-asa ninyo sa Diyos hanggang sa wakas, upang makamtan ninyo ang inyong inaasam. Huwag kayong maging tamad, sa halip, tularan nʼyo ang mga taong tumatanggap ng mga ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya nila at pagtitiis.