Isaias 43:1-2
Isaias 43:1-2 ASD
Ngunit ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, at ikaw ay akin. Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka sa mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.


