Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Santiago 1:13-16

Santiago 1:13-16 ASD

Huwag sabihin ninuman kapag siyaʼy dumaranas ng pagsubok, “Akoʼy tinutukso ng Diyos,” sapagkat hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin niya tinutukso ang sinuman. Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan. Kaya huwag kayong magpadaya, mga minamahal kong kapatid.