Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Hukom 14:1-6

Mga Hukom 14:1-6 ASD

Isang araw, pumunta si Samson sa Timna, at may nakita siya roon na isang dalagang Filisteo. Nang makauwi na siya, nagkuwento siya sa mga magulang niya. Sinabi niya, “May nakita ako sa Timna na isang babaeng Filisteo. Kunin nʼyo siya dahil gusto ko siyang mapangasawa.” Ngunit sumagot ang mga magulang niya, “Wala ka bang mapili man lang sa mga kamag-anak o kababayan natin? Bakit gusto mong makapag-asawa ng mula sa mga Filisteong hindi tuli?” Ngunit sumagot si Samson sa kanyang ama, “Basta kunin nʼyo siya. Siya ang tamang babae para sa akin.” Hindi alam ng mga magulang ni Samson na kalooban pala ng Panginoon ang pasya niya. Sapagkat naghahanap ang Panginoon ng pagkakataon na makipaglaban sa mga Filisteo, dahil sakop ng mga Filisteo ang Israel nang mga panahong iyon. Pumunta si Samson sa Timna kasama ang mga magulang niya. Nang papunta na si Samson sa mga ubasan sa Timna, bigla siyang sinalubong ng isang batang leon na umuungal. Agad na lumukob sa kanya ang Espiritu ng Panginoon at niluray niya ang leon gamit ang kanyang mga kamay na tulad lang ng pagluray sa batang kambing. Ngunit hindi niya ito sinabi sa mga magulang niya.