Job 26
26
Sumagot si Job
1Sumagot si Job, 2“Ang akala mo baʼy natulungan mo ang walang kakayahan at nailigtas ang mahihina? 3Ang akala mo baʼy napayuhan mo ang kapos sa karunungan sa pamamagitan ng iyong karunungan? 4Saan ba nanggaling ang mga sinasabi mong iyan? Sinong espiritu ang nagturo sa iyo na sabihin iyan?
5“Nanginginig sa takot ang mga patay sa kinalalagyan nila sa ilalim ng tubig. 6Lantad sa paningin ng Dios ang lugar ng mga patay. Hindi maitatago ang lugar na iyon ng kapahamakan. 7Inilatag ng Dios ang hilagang kalangitan sa kalawakan at isinabit ang mundo sa kawalan. 8Ibinabalot niya ang ulan sa makakapal na ulap, pero hindi ito napupunit gaano man kabigat. 9Tinatakpan niya ng makapal na ulap ang bilog na buwan.#26:9 bilog na buwan: o, trono. 10Nilagyan niya ng hangganan ang langit at dagat na parang hangganan din ng liwanag at dilim. 11Sa pagsaway niya ay nayayanig ang mga haligi ng langit. 12Sa kanyang kapangyarihan ay pinaaalon niya ang dagat; sa kanyang karunungan ay tinalo niya ang dragon na si Rahab. 13Sa pamamagitan ng pag-ihip niya ay umaaliwalas ang langit, at sa kanyang kapangyarihan pinatay niya ang gumagapang na dragon. 14Mga simpleng bagay lang ito para sa kanya. Parang isang bulong lang na ating napakinggan. Sino ngayon ang makakaunawa sa kapangyarihan ng Dios?”
Kasalukuyang Napili:
Job 26: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: