Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Joel 2:26-32

Joel 2:26-32 ASD

Magkakaroon na kayo ngayon ng saganang pagkain at lubusang mabubusog. At dahil dito, pupurihin ninyo ako, ang Panginoonna inyong Diyos, na gumawa ng mga kamangha-manghang bagay na iyon. At kayong aking mga mamamayan ay hindi na mapapahiya kailanman. Malalaman ninyong akoʼy sumasainyo na mga taga-Israel, at ako lamang ang Panginoon na inyong Diyos at wala nang iba pa. Kayong aking mga mamamayan ay hindi na mapapahiya kailanman. “At pagkatapos, ibibigay ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng mga propesiya. Ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip, at ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain. Sa mga araw na iyon, ibibigay ko rin ang aking Espiritu sa mga utusang lalaki at babae. Magpapakita ako ng mga himala sa langit at sa lupa: May makikitang dugo, apoy, at makapal na usok. Magdidilim ang araw at magkukulay-dugo ang buwan. Mangyayari ito bago dumating ang kamangha-manghang araw ng paghuhukom ng Panginoon. Ang sinumang hihingi ng tulong sa Panginoon ay maliligtas sa parusang darating. Sapagkat ayon sa sinabi ng Panginoon, may matitirang mga Israelita sa Bundok ng Zion, ang Jerusalem. Sila ang mga pinili ng Panginoon na maliligtas.