Jonas 2
2
Nanalangin si Jonas
1Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Dios sa loob ng tiyan ng isda. 2Sinabi niya,
“Panginoon, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan humingi po ako ng tulong sa inyo,
at sinagot nʼyo ako.
Sa bingit ng kamatayan,#2:2 bingit ng kamatayan: sa literal, sa kailaliman ng lugar ng mga patay. humingi ako ng tulong sa inyo,
at pinakinggan nʼyo ako.
3Inihagis nʼyo ako sa pusod ng dagat.
Napalibutan ako ng tubig at natabunan ng mga alon na ipinadala ninyo.
4Pinalayas nʼyo ako sa inyong presensya,
pero umaasa pa rin akong makakalapit muli ako sa inyo roon sa inyong banal na templo.
5Lumubog po ako sa tubig at halos malunod.
Natabunan ako ng tubig at ang ulo ko ay napuluputan ng mga halamang-dagat.
6Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat,
at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman.
Pero kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Dios.
7Nang parang mamamatay na ako,#2:7 Nang parang mamamatay na ako: o, Noong pagod na pagod na ako; o, Noong nawalan na ako ng pag-asa. tumawag ako sa inyo, Panginoon,
at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko roon sa inyong banal na templo.
8Ang mga taong sumasamba sa mga walang kwentang dios-diosan ay hindi na tapat sa inyo.
9Pero maghahandog ako sa inyo nang may awit ng pasasalamat.
Tutuparin ko ang pangako ko na maghahandog sa inyo.
Kayo po, Panginoon, ang nagliligtas.”
10Kaya inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.
Kasalukuyang Napili:
Jonas 2: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: