Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Josue 22:1-5

Josue 22:1-5 ASD

Tinipon ni Josue ang mga mamamayan ng lahi nina Ruben, Gad at ng kalahating lahi ni Manases. Sinabi ni Josue sa kanila, “Ginawa nʼyo ang lahat ng iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng PANGINOON at sinunod din ninyo ang lahat ng iniutos ko. Hanggang ngayon, hindi nʼyo pinapabayaan ang mga kapatid ninyong Israelita at tinupad nʼyong mabuti ang lahat ng iniutos sa inyo ng PANGINOON na inyong Diyos. At ngayon, naangkin na ng mga kapatid ninyong Israelita ang kapahingahan na ipinangako sa kanila ng PANGINOON. Kaya bumalik na kayo sa mga lugar nʼyo sa kabila ng Ilog Jordan, sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng PANGINOON. Ngunit huwag nʼyong kalimutang tuparin ang mga utos at katuruan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng PANGINOON. Ibigin nʼyo ang PANGINOON na inyong Diyos, mamuhay kayo ayon sa kalooban niya, tuparin ang mga utos niya, maging matapat sa kanya at paglingkuran nʼyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa.”