Leviticus 18
18
Ang mga Ipinagbabawal na Gawaing Mahahalay
1Inutusan ng Panginoon si Moises 2na sabihin ito sa mga taga-Israel:
Ako ang Panginoon na inyong Dios. 3Huwag nʼyong gawin ang mga ginagawa ng mga taga-Egipto, kung saan kayo tumira noon. Huwag din ninyong gayahin ang mga ginagawa ng mga taga-Canaan na pagdadalhan ko sa inyo. 4-5Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at mga tuntunin dahil ang mga susunod dito ay mabubuhay. Ako ang Panginoon na inyong Dios.
6Huwag kayong sumiping sa malapit ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon.
7-8Huwag mong ilagay sa kahihiyan ang iyong ama sa pamamagitan ng pagsiping sa iyong ina o sa iba pa niyang asawa.
9Huwag kang sumiping sa iyong kapatid na babae, kahit na kapatid mo siya sa ama o sa ina, kahit na lumaki siya sa inyo o hindi.
10Huwag kang sumiping sa iyong apong babae dahil magbibigay ito sa iyo ng kahihiyan.
11Huwag kang sumiping sa anak na babae ng iyong ama sa iba niyang asawa, dahil kapatid mo rin siya.
12-13Huwag kang sumiping sa iyong tiyahin na kapatid ng iyong ama o ina.
14Huwag mong ilalagay sa kahihiyan ang iyong tiyuhin sa pamamagitan ng pagsiping sa kanyang asawa, dahil tiyahin mo rin siya.
15Huwag kang sumiping sa iyong manugang na babae dahil asawa siya ng iyong anak.
16Huwag kang sumiping sa iyong hipag na babae dahil itoʼy magbibigay ng kahihiyan sa iyong kapatid.
17Huwag kang sumiping sa anak o apo ng babaeng sinipingan mo noon, dahil baka anak o apo mo iyon at itoʼy nakakahiya.
18Huwag kang mag-asawa ng kapatid na babae ng iyong asawa habang buhay pa ang iyong asawa.
19Huwag kang sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil itinuturing siyang marumi.
20Huwag kang sumiping sa asawa ng iba dahil kapag ginawa mo ito, ituturing kang marumi.
21Huwag mong ibibigay ang iyong anak para ihandog sa dios na si Molec, dahil iyan ay paglapastangan sa aking pangalan na iyong Dios. Ako ang Panginoon.
22Huwag kang sumiping sa kapwa mo lalaki o kapwa mo babae dahil kasuklam-suklam ito.
23Huwag kang sumiping sa hayop dahil ito ay napakasama at ikaw ay ituturing na marumi kapag ginawa mo iyon.
24Huwag ninyong dumihan ang inyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng ganitong mga gawain dahil ito ang nagparumi sa mga taong pinaalis ko sa lupaing ibinigay ko sa inyo. 25-28At kahit ang lupain ay nadungisan dahil sa ginawa nilang iyon. Pinadalhan ko ng mga salot ang lupaing iyon para silaʼy magsialis doon. Pero kayong mga katutubong Israelita at mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na gawaing iyon, kundi sundin ninyo ang mga tuntunin at mga kautusan ko. Sapagkat kung dudungisan din ninyo ang lupaing iyon, sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawaing iyon, paaalisin ko rin kayo sa lupaing iyon katulad ng mga taong unang tumira roon. 29Ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawaing ito ay huwag na ninyong ituring na kababayan. 30Kaya sundin ninyo ang iniuutos ko sa inyo at huwag ninyong susundin ang mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga taong nauna sa inyo, para hindi ninyo madungisan ang inyong sarili katulad nila. Ako ang Panginoon na inyong Dios.
Kasalukuyang Napili:
Leviticus 18: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: