Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 10:27-29

Lucas 10:27-29 ASD

Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” “Tama ang sagot mo,” sabi ni Hesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.” Ngunit ayaw mapahiya ng tagapagturo, kaya tinanong ulit niya si Hesus, “At sino naman po ang kapwa ko?”