Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 17:11-19

Lucas 17:11-19 ASD

Sa paglalakbay ni Hesus papuntang Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Galilea at Samaria. Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo at sumigaw kay Hesus, “Panginoong Hesus, maawa po kayo sa amin!” Nang makita sila ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila.” At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat. Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Hesus at nagsisigaw ng papuri sa Diyos. Lumuhod siya sa harap ni Hesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano. Sinabi ni Hesus, “Hindi baʼt sampu ang pinagaling ko? Nasaan na ang siyam? Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Diyos maliban sa dayuhang ito?” Sinabi niya sa lalaki, “Tumayo ka at umuwi na. Pinagaling ka ng pananampalataya mo.”