Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 2:15-18

Lucas 2:15-18 ASD

Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Bethlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.” Kaya nagmadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Nang makita nila ang sanggol, isinalaysay nila ang sinabi ng anghel tungkol sa kanya. Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Lucas 2:15-18