Sa gabi ding iyon, may mga pastol sa parang na malapit sa Bethlehem na nagbabantay ng kanilang mga kawan ng tupa. Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at napaligiran sila ng nagniningning na kaluwalhatian ng Panginoon. Lubha silang natakot ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot dahil naparito ako para sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Mesias na siyang Panginoon. Ito ang palatandaan: Makikita ninyo ang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.” Walang ano-anoʼy lumitaw mula sa langit ang isang napakalaking hukbo ng mga anghel at sama-sama silang nagpuri sa Diyos. Sinabi nila, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa naman ay kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan!” Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Bethlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.”
Basahin Lucas 2
Makinig sa Lucas 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 2:8-15
4 Days
The Christmas story is the story of how God intervened in history through the birth of Jesus. The lives of Mary, Joseph, and the shepherds were utterly changed by this event. They found hope, love, peace, and joy; join the team from Vertical Worship as we remember together how, through Jesus, we can find these too.
5 Mga Araw
Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.
5 Araw
Ngayong Pasko, balikan natin ang kuwento ng pagsilang ni Hesus, mula sa mga aklat ng Mateo at Lucas. Sa bawat araw ng gabay na ito, mapapanood ang isang maikling video ng mahahalagang bahagi ng kuwento.
7 Araw
Sa susunod na limang araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos na na kay Hesukristo at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalagang regalong matatanggap nating lahat.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas