Mateo 16:24-27
Mateo 16:24-27 ASD
At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang gustong maging alagad ko ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon nito. Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay? Sapagkat ang Anak ng Tao ay darating kasama ang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng Ama. Sa araw na iyon, gagantimpalaan niya ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa.




