Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 5:13-16

Mateo 5:13-16 ASD

“Kayo ang asin ng mundo. Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Wala na itong pakinabang kaya itatapon na lang at tatapak-tapakan ng mga tao. “Kayo ang ilaw ng mundo na hindi maikukubli, katulad ng isang lungsod na nasa tuktok ng burol. Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw upang makita ito ng lahat. Sa gayon, masaksihan nila ang inyong mga mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Amang nasa langit.