Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Micas 1:2-7

Micas 1:2-7 ASD

“Makinig kayong mabuti, lahat kayong mga mamamayan sa buong mundo. Sapagkat sasaksi ang Makapangyarihang Panginoon laban sa inyo mula sa kanyang banal na Templo. “Makinig kayo! Lalabas ang Panginoon mula sa kanyang tahanan. Bababa siya at lalakad sa matataas na bahagi ng mundo. Ang mga bundok na kanyang malalakaran ay matutunaw na parang mga kandila na nadikit sa apoy, at magiging lubak-lubak ang mga patag na parang dinaanan ng tubig na umagos mula sa matatarik na lugar. Mangyayari ang lahat ng ito dahil sa mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel at Juda. Ang mga taga-Samaria ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Israel upang magkasala. At ang mga taga-Jerusalem naman ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Juda upang sumamba sa mga diyos-diyosan. “Kaya gigibain ko ang Samaria at tataniman na lang ito ng mga ubas. Pagugulungin ko ang mga bato nito papunta sa kapatagan hanggang sa makita ang mga pundasyon nito. Lahat ng diyos-diyosan nito ay madudurog, at ang upa ng mga babaeng bayaran sa templo nito ay masusunog. Wawasakin ko ang mga imahen nito. Sapagkat galing sa upa ng mga babaeng bayaran ang mga handog na naipon, at muling gagamitin bilang upa para sa ibang babaeng bayaran.”