Micas 6:6-8
Micas 6:6-8 ASD
Sumagot ang isang Israelita, “Ano ang ihahandog ko sa Panginoon, ang Diyos sa langit, kapag sasamba ako sa kanya? Mag-aalay ba ako ng guya bilang handog na sinusunog? Matutuwa kaya ang Panginoon kung hahandugan ko siya ng libo-libong tupa at nag-uumapaw na langis? Ihahandog ko ba sa kanya ang panganay kong anak bilang kabayaran sa aking mga kasalanan?” Hindi! Sinabi na ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ano ang ninanais niya sa inyo? Gawin ang matuwid, pairalin ang pagkamaawain, at buong pagpapakumbabang sumunod sa Diyos.


