Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Micas 7:15-20

Micas 7:15-20 ASD

Sinabi ng Panginoon, “Magpapakita ako sa kanila ng mga himala, katulad noong inilabas ko kayo sa Ehipto.” Makikita ito ng mga bansa at mapapahiya sila sa kabila ng kanilang kapangyarihan. At hindi na sila makikinig o magsasabi ng mga panlalait sa amin. Gagapang sila sa lupa na parang ahas dahil sa sobrang hiya. Lalabas sila sa kanilang lungga na nanginginig sa takot sa inyo, Panginoon naming Diyos. Walang ibang Diyos na katulad ninyo! Pinapatawad ninyo ang kasamaan at kinakalimutan ang kasalanan ng nalalabing lahi ng inyong mamamayan. Hindi kayo nananatiling galit magpakailanman dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami. Kamiʼy muli ninyong kahabagan, ang aming mga kasalanaʼy inyong yurakan, at ihagis ito sa ilalim ng karagatan. Ipakita ninyo ang inyong pag-ibig at katapatan sa amin na mga lahi ni Abraham at ni Jacob, gaya ng iyong ipinangako sa kanila noong unang panahon.