Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 5:35-36

Marcos 5:35-36 ASD

Habang kausap pa ni Hesus ang babae, dumating ang ilang tao mula sa bahay ni Jairo na isa sa mga namumuno sa sinagoga. Sinabi nila kay Jairo, “Patay na po ang anak ninyo. Kahit huwag nʼyo na pong abalahin ang guro.” Ngunit hindi pinansin ni Hesus ang sinabi nila. Sa halip, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang.”