Kawikaan 1:10-16
Kawikaan 1:10-16 ASD
Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan. Huwag kang sasáma kapag sinabi nilang, “Halika, sumáma ka sa amin! Bilang katuwaan, mag-abang tayo ng papatayin, manambang tayo ng inosente. Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila upang matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay. Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam. Sige na, sumáma ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.” Anak, huwag kang sumáma sa kanila; iwasan mo sila. Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao.

