Kawikaan 6:20-24
Kawikaan 6:20-24 ASD
Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang. Itanim mo ito sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan. Ito ang papatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa. Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo upang ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo. Ilalayo ka rin nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.



