Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 130

130
Salmo 130#130 Salmo 130 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit habang paakyat.
Pagtitiwala sa Panginoon sa Oras ng Paghihirap
1 Panginoon, sa labis kong paghihirap akoʼy tumatawag sa inyo.
2Dinggin nʼyo po ang aking pagsusumamo.
3Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan,
sino kaya sa amin ang matitira sa inyong presensya?#130:3 matitira sa inyong presensya: o, makakatakas sa kaparusahan.
4Ngunit pinapatawad nʼyo kami, upang matuto kaming gumalang sa inyo.
5 Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,
at umaasa sa inyong mga salita.
6Naghihintay ako sa inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga.
7Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon,
dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.
8Siya ang magliligtas sa inyo sa lahat ng inyong mga kasalanan.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 130: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in