Salmo 43:1-5
Salmo 43:1-5 ASD
O Diyos, patunayan po ninyong akoʼy walang kasalanan, at akoʼy inyong ipagtanggol sa mga hindi matuwid. Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sa mga masasama. Kayo ang Diyos ang aking tanggulan, bakit nʼyo ako itinakwil? Bakit kailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway? Paliwanagan nʼyo ako at turuan ng inyong katotohanan, upang akoʼy magabayan pabalik sa inyong Templo sa banal na bundok. Nang sa gayoʼy makalapit ako sa inyong altar, O Diyos, na nagbibigay galak sa akin. At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa ay pupurihin ko kayo, O aking Diyos. Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Diyos at Tagapagligtas!

