Salmo 73
73
Salmo 73#73 Salmo 73 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni Asaf.
Ang Makatarungang Hatol ng Dios
1Tunay na mabuti ang Dios sa Israel,
lalo na sa mga taong malilinis ang puso.
2Ngunit ako, halos mawalan na ako ng pananampalataya.
3Nainggit ako nang makita ko na ang mayayabang at masasama ay umuunlad.
4Malulusog ang kanilang mga katawan
at hindi sila nahihirapan.
5Hindi sila naghihirap at nababagabag na tulad ng iba.
6Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan.#73:6 ipinapakita … kalupitan: sa literal, nagsusuot sila ng kwintas ng kayabangan at damit ng kalupitan.
7Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan,
at ang laging iniisip ay paggawa ng masama.
8Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba.
Mayayabang sila at nagbabantang manakit.
9Nagsasalita sila ng masama laban sa Dios at sa mga tao.
10Kaya kahit na ang mga mamamayan ng Dios ay lumilingon sa kanila at pinaniniwalaan ang mga sinasabi nila.
11Sinasabi nila, “Paano malalaman ng Dios?
Walang alam ang Kataas-taasang Dios.”
12Ganito ang buhay ng masasama:
wala nang problema, yumayaman pa.
13 Bakit ganoon? Wala bang kabuluhan ang malinis kong pamumuhay at paglayo sa kasalanan?
14Nagdurusa ako buong araw.
Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan.
15Kung sasabihin ko rin ang sinabi nila,
para na rin akong nagtraydor sa inyong mga mamamayan.
16Kaya sinikap kong unawain ang mga bagay na ito,
ngunit napakahirap.
17Pero nang pumunta ako sa inyong templo,
doon ko naunawaan ang kahihinatnan ng masama.
18Tunay na inilalagay nʼyo sila sa madulas na daan,
at ibinabagsak sa kapahamakan.
19Bigla silang mapapahamak;
mamamatay silang lahat at nakakatakot ang kanilang kahahantungan.
20Para silang isang panaginip na pagsapit ng umaga ay wala na.
Makakalimutan na sila kapag pinarusahan nʼyo na.
21Nang nasaktan ang aking damdamin at nagtanim ako ng sama ng loob,
22para akong naging hayop sa inyong paningin,
mangmang at hindi nakakaunawa.
23Ngunit patuloy akong lumapit sa inyo at inakay nʼyo ako.
24Ginagabayan ako ng inyong mga payo,
at pagkatapos ay tatanggapin nʼyo ako bilang isang pangunahing pandangal.
25Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang.
At walang sinuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo.
26Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan.
Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
27Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak.
Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat.
28Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios.
Kayo, Panginoong Dios, ang pinili kong kanlungan,
upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.
Kasalukuyang Napili:
Salmo 73: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: