Salmo 77:11-14
Salmo 77:11-14 ASD
Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa. O Diyos, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Diyos na kasindakila ninyo. Kayo ang Diyos na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.

