Salmo 84
84
Salmo 84#84 Salmo 84 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ng mga anak ni Kora para sa direktor ng mga mang-aawit. Tinutugtog sa pamamagitan ng instrumentong “gittith.”
Pananabik sa Templo ng Dios
1 Panginoong Makapangyarihan, kay ganda ng inyong templo!
2Gustong-gusto kong pumunta roon!
Nananabik akong pumasok sa inyong templo, Panginoon.
Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo,
O Dios na buhay.
3 Panginoong Makapangyarihan, aking Hari at Dios,
kahit na ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay.
4Mapalad ang mga taong nakatira sa inyong templo;
lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.
5Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo
at nananabik na makapunta sa inyong templo.
6Habang binabaybay nila ang tuyong lambak ng Baca,#84:6 lambak ng Baca: o, lambak na may maraming puno ng Balsamo; o, lambak na may mga umiiyak.
iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan.
7Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Dios doon sa Zion.#84:7 Zion: o, Jerusalem.
8 Panginoong Dios na Makapangyarihan,
Dios ni Jacob, pakinggan nʼyo ang aking panalangin!
9Pagpalain nʼyo O Dios, ang tagapagtanggol#84:9 tagapagtanggol: sa literal, pananggalang. namin,
ang hari na inyong pinili.
10Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar.
O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo,#84:10 tumayo sa inyong templo: o, maging guwardya ng pintuan ng templo; o, maging pulubi sa may pintuan ng templo.
O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama.
11Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin.
Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan
Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.
12O Panginoong Makapangyarihan,
mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.
Kasalukuyang Napili:
Salmo 84: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: