Mga Taga-Roma 10:12-15
Mga Taga-Roma 10:12-15 ASD
Sapagkat walang pagkakaiba ang Hudyo at Hentil. Ang Panginoon ay Panginoon ng lahat, at pinagpapala niya nang masagana ang lahat ng tumatawag sa kanya. Sapagkat, “Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” Ngunit paano sila tatawag kung hindi naman sila sumasampalataya sa kanya? At paano sila sasampalataya kung hindi pa sila nakakarinig ng tungkol sa kanya? At paano sila makakarinig kung walang mangangaral? At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan: “Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita.”


