Zacarias 6
6
Pangitain tungkol sa Apat na Karwahe
1May nakita pa akong apat na karwahe na lumabas sa pagitan ng dalawang bundok na tanso. 2Ang unang karwahe ay hinihila ng mga pulang kabayo, ang pangalawa ay hinihila ng mga itim na kabayo, 3ang pangatlo ay hinihila ng mga puting kabayo, at ang pang-apat ay hinihila ng mga batik-batik na kabayo. Ang mga kabayo ay pawang malalakas. 4Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ang ibig sabihin ng mga karwaheng iyan?” 5Sumagot ang anghel, “Ang mga iyan ay ang apat na hangin sa kalawakan#6:5 hangin sa kalawakan: o, espiritu sa langit. na paparating mula sa presensya ng Panginoon ng buong mundo. 6Ang karwaheng hinihila ng mga itim na kabayo ay papunta sa isang lugar sa hilaga. Ang karwaheng hinihila ng mga puting kabayo ay papunta sa kanluran.#6:6 papunta sa kanluran: sa Hebreo, sumusunod sa kanila. At ang karwaheng hinihila ng mga batik-batik na kabayo ay papunta sa isang lugar sa timog.”
7Nang papalabas pa lang ang malalakas na kabayo, nagmamadali na silang lumibot sa buong mundo. Sinabi ng anghel#6:7 anghel: o, Panginoon. sa kanila, “Sige, libutin na ninyo ang buong mundo.” Kaya nilibot nila ang buong mundo. 8At malakas na sinabi ng Panginoon#6:8 Panginoon: o, anghel. sa akin, “Tingnan mo ang mga kabayong patungo sa isang lugar sa hilaga. Sila ang magbibigay ng kapahingahan sa aking Espiritu sa dakong iyon sa hilaga.”
Ang Korona para kay Josue
9Sinabi ng Panginoon sa akin, 10“Kunin mo ang mga regalong pilak at ginto nina Heldai, Tobia, at Jedaya, at pumunta ka agad sa bahay ni Josia na anak ni Zefanias. Silang apat ay nakabalik mula sa Babilonia kung saan sila binihag. 11Ipagawa mong korona ang mga pilak at ginto, at isuot ito sa ulo ng punong pari na si Josue na anak ni Jehozadak. 12-13Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay nagsasabi, ‘Ang taong tinatawag na Sanga ay lalago sa kalagayan niya ngayon,#6:12-13 lalago … ngayon: sa literal, tutubo sa kanyang pinagtaniman. at itatayo niyang muli ang aking templo. Pararangalan siya bilang hari at mamamahala siya. Ang pari ay tatayo sa tabi ng kanyang trono#6:12-13 tatayo … trono: o, uupo sa kanyang trono. at magkakaroon sila ng mabuting relasyon.’ 14Ang korona ay ilalagay sa aking templo bilang pag-alaala kina Heldai,#6:14 Heldai: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, Helem. Tobia, Jedaya, at Josia#6:14 Josia: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, Hen. na anak ni Zefanias.”
15May mga taong darating sa Israel mula sa malalayong lugar at tutulong sa pagpapatayo ng templo ng Panginoon. Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ang nagsugo sa akin sa inyo. At talagang mangyayari ang lahat ng ito kung susundin ninyong mabuti ang Panginoon na inyong Dios.
Kasalukuyang Napili:
Zacarias 6: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: