Amos 5
5
Panawagan Upang Magsisi
1Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang panaghoy kong ito tungkol sa inyo:
2Nabuwal ang Israel at di na makakabangon.
Nakahandusay siya at sa kanya'y walang tumutulong.
3Sinabi ng Panginoong Yahweh,
“Sa sanlibong kawal na inatasan ng isang lunsod,
iisang daan ang makakabalik;
sa sandaan namang inatasan ng isa pang lunsod,
ang makakabalik ay sampu na lamang.”
4Ito pa ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Israel:
“Lumapit kayo sa akin at kayo'y mabubuhay;
5huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong;
huwag kayong pumunta doon sa Beer-seba,
sapagkat ang mga taga-Gilgal ay tiyak na mabibihag,
at ang Bethel ay mawawalang kabuluhan.”
6Lumapit kayo kay Yahweh at kayo'y mabubuhay.
Kung hindi, bababâ siyang parang apoy sa mga anak ni Jose,
susunugin ang Bethel at walang makakasugpo sa apoy na ito.
7Kahabag-habag kayo na nagkakait ng katarungan
at yumuyurak sa karapatan ng mga tao!
8Nilikha#Job 9:9; 38:31. ni Yahweh ang Pleyades at ang Orion.
Itinatakda niya ang araw at ang gabi.
Tinipon niya ang tubig mula sa karagatan,
upang muling ibuhos sa sangkalupaan;
Yahweh ang kanyang pangalan.
9Winawasak niya ang mga kuta at dinudurog ang mga tanggulan.
10Namumuhi kayo sa naninindigan sa katarungan,
at hinahamak ang nagsasabi ng katotohanan.
11Ginigipit ninyo ang mahihirap
at hinuhuthot ang kanilang ani.
Kaya't hindi ninyo matitirhan ang bahay na batong inyong itinayo,
ni malalasap man lang ang alak mula sa malalawak ninyong ubasan.
12Alam ko kung gaano karami ang inyong ginawang kasamaan,
at kung gaano kabigat ang inyong mga kasalanan.
Kayo'y humihingi ng suhol sa mga taong matuwid,
at ipinagkakait ninyo sa mga mahihirap ang katarungan.
13Naghahari ang kasamaan sa panahong ito;
kaya't kung ika'y matalino, mananahimik ka na lang.
14Gawin mo ang matuwid, hindi ang masama,
upang ikaw ay mabuhay.
Sa gayon, sasaiyo si Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
tulad ng sinasabi mo.
15Kamuhian mo ang masama, ibigin ang mabuti.
Pairalin mo sa mga hukuman ang katarungan,
baka sakaling kahabagan ni Yahweh
ang matitirang buháy sa lahi ni Jose.
16Kaya't sinasabi ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Panginoon,
“Maririnig sa mga lansangan ang mga pagtangis;
at ang mga paghihinagpis sa mga liwasan.
Pati ang mga magsasaka ay makikidalamhati,
kasama ng mga bayarang taga-iyak.
17May mga pagtangis sa bawat ubasan,
sapagkat darating na ako sa inyong kalagitnaan.”
18Kahabag-habag kayo na naghihintay sa pagdating ng araw ni Yahweh!
Bakit ninyo hinihintay ang araw na iyon?
Iyon ay magiging araw ng kadiliman, hindi ng kaliwanagan.
19Para kayong umiwas sa leon ngunit oso ang nasagupa!
O kaya'y gaya ng isang taong umuwi sa bahay,
ngunit pagsandal sa dingding ay tinuklaw ng ahas!
20Magiging pusikit na kadiliman at hindi kaliwanagan ang araw ni Yahweh;
araw na napakalungkot at napakadilim!
21“Namumuhi#Isa. 1:11-14. ako sa inyong mga handaan,
hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na pagtitipon.
22Hindi ko matatanggap ang inyong mga handog na sinusunog,
handog na mga pagkaing butil at mga hayop na pinataba.
Kahit na ang mga iyon ay handog pangkapayapaan,
hindi ko pa rin papansinin.
23Tigilan na ninyo ang maiingay na awitan;
ayoko nang marinig ang inyong mga alpa.
24Sa halip ay padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog;
gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.
25“Sa#Gw. 7:42-43. loob ng apatnapung taóng pamamalagi ninyo sa ilang, O Israel, nagdala ba kayo sa akin ng mga handog na sinusunog at ng mga handog ng pasasalamat? 26Buhatin na ninyo ang rebulto ni Sakut na inyong hari at ni Kaiwan, ang diyos na bituin, ang mga imahen na inyong ginawa. 27Dahil dito'y itatapon ko kayo sa kabila pa ng Damasco,” sabi ni Yahweh, na ang pangalan ay Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Kasalukuyang Napili:
Amos 5: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: