Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 36

36
Ang mga Nagmula sa Lahi ni Esau
(1 Cro. 1:34-37)
1Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Esau na tinatawag ding Edom. 2Ang#Gen. 26:34 napangasawa niya ay mga Cananea: si Ada, anak ni Elon na Heteo, si Aholibama, anak ni Ana at apo ni Zibeon na Hivita, 3at#Gen. 28:9 si Basemat na anak naman ni Ismael at kapatid ni Nebayot. 4Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz; kay Basemat ay si Reuel; 5at kay Aholibama ay sina Jeus, Jalam at Korah. Silang lahat ay ipinanganak sa Canaan.
6Nangibang-bayan si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga hayop at ang lahat ng ari-arian ay kanyang dinala. 7Iniwan niya si Jacob sa Canaan, sapagkat ang lupaing ito'y hindi na sapat sa kanilang mga kawan. 8Sa Seir nanirahan si Esau.
9Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Esau, ang pinagmulan ng mga Edomita sa kaburulan ng Seir: 10si Elifaz, anak kay Ada; at si Reuel, kay Basemat. 11Ang mga anak naman ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz. 12At si Amalek ang naging anak ni Elifaz kay Timna. Sila ang mga apo ni Esau kay Ada.
13Ito naman ang mga apo ni Esau kay Reuel na anak ni Basemat: Nahat, Zera, Shammah at Miza.
14Ang mga anak ni Esau kay Aholibama na anak ni Ana at apo ni Zibeon, ay sina Jeus, Jalam at Korah.
15-16Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau: Teman, Omar, Zefo at Kenaz, Korah, Gatam at Amalek, mga anak ni Elifaz na kanyang panganay at apo ni Ada. Sila'y naging pinuno sa lupain ng Edom.
17Naging mga pinuno rin sa lupain ng Edom sina Nahat, Zera, Shammah, at Miza na mga anak ni Reuel. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.
18Sina Jeus, Jalam at Korah ang naging pinuno sa mga anak ni Esau kay Aholibama na anak ni Ana. 19Ang lahat ng mga liping ito'y nagmula sa lahi ni Esau.
Ang Lahi ni Seir
(1 Cro. 1:38-42)
20Ito ang mga anak ni Seir, ang Horeo: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 21Dishon, Ezer at Disan. Sila ang mga pinuno ng mga Horeo na unang nanirahan sa lupain ng Edom.
22Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Heman. Si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.
23Ito naman ang mga anak ni Sobal: Alvan, Manahat, Ebal, Zefo at Onam.
24Ang kay Zibeon naman ay sina Aya at Ana. Si Ana ang siyang nakatuklas ng mainit na bukal sa ilang samantalang inaalagaan ang mga asno ng kanyang ama. 25Ang mga anak ni Ana ay si Dishon at ang kapatid nitong babae na si Aholibama. 26Ang mga anak naman ni Dishon ay sina Hemdan, Esban, Itran at Keran.
27Sina Bilhan, Zaavan at Acan ang mga anak naman ni Ezer.
28At ang kay Disan ay sina Hus at Aran.
29Ito ang mga pinuno ng mga Horeo sa lupain ng Seir ayon sa kanilang angkan: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 30Dishon, Ezer at Disan.
Ang mga Hari ng Edom
(1 Cro. 1:43-54)
31Ito naman ang mga naging hari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng haring Israelita. 32Si Bela, ang anak ni Beor, ay naghari sa Lunsod ng Dinaba. 33Pagkamatay niya, pumalit si Jobab na anak ni Zerah, na taga-Bosra. 34Nang mamatay naman si Jobab, pumalit si Husam na Temaneo. 35Namatay si Husam, at humalili naman si Hadad, anak ni Bedad na tumalo sa mga Midianita sa lupain ng Moab. Avit ang tawag sa kanyang lunsod. 36Pagkamatay ni Hadad, siya'y pinalitan ni Samla na taga-Masreca. 37Si Saul namang taga-Rehobot sa Eufrates ang sumunod na namahala pagkamatay ni Samla. 38Pagkamatay ni Saul, ang naghari ay si Baal-hanan na anak ni Acbor. 39Pagkamatay ni Baal-hanan, pumalit si Hadar. Ang pangalan ng lunsod niya ay Pau. Si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab ang kanyang asawa.
40Ito ang mga liping nagmula kay Esau ayon sa kanilang tirahan: Timna, Alva, Jetet, 41Aholibama, Ela, Pinon, 42Kenaz, Teman, Mibzar, 43Magdiel at Iram. Ito ang mga bansa ng Edom ayon sa kani-kanilang tirahan. Si Esau ang ninuno ng mga Edomita.

Kasalukuyang Napili:

Genesis 36: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in