Isaias 27
27
Ililigtas ang Israel
1Sa#Job 41:1; Awit 74:14; 104:26. araw na iyon, gagamitin ni Yahweh
ang kanyang malupit at matalim na espada;
paparusahan niya ang Leviatan,#1 LEVIATAN: Isang mala-alamat na dambuhalang halimaw sa karagatan na sumisimbolo sa kaguluhan at kasamaan. ang tumatakas na dragon,
at papatayin niya ang halimaw na nakatira sa dagat.
2Sa araw na iyon,
sasabihin niya sa kanyang mainam na ubasan,
3“Akong si Yahweh ang nag-aalaga ng ubasang ito
na dinidilig bawat sandali,
at binabantayan ko araw at gabi
upang walang manira.
4Hindi na ako galit sa aking ubasan,
ngunit sa sandaling may makita akong mga tinik,
ang mga ito'y titipunin ko
at saka susunugin.
5Ngunit kung nais nilang sila'y aking ingatan,
ang dapat nilang gawin, makipagkasundo sa akin.
6Darating ang araw na mag-uugat ang lahi ni Jacob,
mamumulaklak ang Israel, magbubunga ng marami
at mapupuno ang buong daigdig.
7Pinarusahan ba ng Diyos ang Israel gaya ng ginawa sa mga kaaway nito?
Pinatay ba niya ang mga Israelita tulad ng ginawa sa pumaslang sa kanila?
8Hinayaan ni Yahweh na mabihag ang kanyang bayan bilang parusa;
tinangay sila ng malakas na hangin buhat sa silangan.
9Patatawarin lang sila kung wawasakin nila ang mga altar
at itatapon ang larawan ng diyus-diyosang si Ashera,
at dudurugin ang altar na sunugan ng insenso.
10Wasak na ang lunsod na siyang tanggulan,
para itong disyerto na walang nakatira,
at ginawang pastulan na lamang ng mga baka.
11Nabali at natuyo ang mga sanga ng punongkahoy,
pupulutin naman ng mga babae at gagawing panggatong.
Sapagkat ang bayang ito'y walang pagkaunawa,
kaya hindi sila kahahabagan ng Diyos na kanilang Manlilikha.
12Sa araw na iyon ay titipunin ni Yahweh,
ang mga Israelita gaya ng inaning trigo;
mula sa Ilog Eufrates hanggang sa hangganan ng Egipto.
13Pagtunog ng trumpeta, tatawagin pabalik sa Jerusalem,
ang mga Israelitang nangalat sa Asiria at Egipto
upang sambahin nila si Yahweh sa banal na bundok sa Jerusalem.
Kasalukuyang Napili:
Isaias 27: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: