Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 40

40
Mga Salita ng Pag-asa
1“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos.
“Aliwin ninyo sila!
2Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem,
tapos na ang kanilang pagdurusa
sapagkat nabayaran na nila ng lubos
ang kasalanang ginawa nila sa akin.”
3Ganito#Ecc. 48:10; Bar. 5:7; Mt. 3:3; Mc. 1:3; Jn. 1:23. #Lu. 3:4-6. ang isinisigaw ng isang tinig:
“Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang;
gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang.
4Tambakan ang mga libis,
patagin ang mga burol at bundok,
at pantayin ang mga baku-bakong daan.
5Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh,
at makikita ito ng lahat ng tao.
Si Yahweh mismo ang nagsabi nito.”
6“Magpahayag#San. 1:10-11; 1 Ped. 1:24-25. ka!” ang sabi ng tinig.
“Ano ang ipahahayag ko?” tanong ko.
Sumagot siya, “Ipahayag mong ang lahat ng tao ay tulad ng damo,
ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang.
7Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak,
kapag sila'y mahipan ng hanging mula kay Yahweh.
Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo.
8Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak,
ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”
Ang Diyos ay Narito Na
9Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion,
magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem!
Sumigaw ka at huwag matatakot,#9 Umakyat…matatakot: o Umakyat ka sa isang matayog na bundok at ipahayag ang magandang balita sa Jerusalem! Sumigaw ka at ibadya ang magandang balita sa Zion!
sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,
“Narito na ang inyong Diyos!”
10Dumarating#Isa. 62:11; Pah. 22:12. ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan,
dala ang gantimpala sa mga hinirang.
11At#Eze. 34:15; Jn. 10:11. tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan;
sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin.
Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,
at papatnubayan ang mga tupang may supling.
Walang Katulad ang Diyos
12Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay?
Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan?
Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan?
Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?
13Sino#Ro. 11:34; 1 Cor. 2:16. ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh?
May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya?
14Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan?
Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan?
Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa?
15Sa#Kar. 11:22; Ecc. 10:16-17. harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,
tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;
at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.
16Hindi sapat na panggatong ang lahat ng kahoy sa Lebanon.
Kulang pang panghandog ang lahat ng hayop sa gubat roon.
17Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa.
18Saan#Gw. 17:29. ninyo ihahambing ang Diyos
at kanino ninyo siya itutulad?
19Siya ba'y maihahambing sa mga imaheng ginawa ng tao,
na binalutan ng ginto,
at ipinatong sa pilak?
20Hindi#Kar. 13:11-19; Bar. 6:8-40. rin siya maitutulad sa rebultong kahoy
matigas man ang kahoy at hindi nabubulok,
na nililok upang hindi tumumba
at mabibili lang sa murang halaga.
21Hindi ba ninyo nalalaman?
Wala bang nagbalita sa inyo noon,
kung paano nagsimulang likhain ang sanlibutan?
22Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan;
mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam.
Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina,
tulad ng tolda upang matirahan.
23Inaalis niya ang mga pinuno sa kapangyarihan,
at ginagawang walang kabuluhan.
24Tulad nila'y mga halamang walang ugat,
bagong tanim at natutuyo agad;
at tila dayaming tinatangay ng hangin.
25Kanino ninyo ihahambing ang banal na Diyos?
Mayroon ba siyang katulad?
26Tumingala#Bar. 3:34-35. kayo sa langit!
Sino ba ang lumikha ng mga bituin?
Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos,
at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan?
Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan,
walang nawala sa kanila kahit isa man.
Si Yahweh ang Nagbibigay ng Kalakasan
27Israel, bakit ka ba nagrereklamo
na tila hindi pansin ni Yahweh ang kabalisahan mo,
o hindi inalalayan sa kaapihang naranasan?
28Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig?
Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos,
ang siyang lumikha ng buong daigdig?
Hindi siya napapagod;
sa isipan niya'y walang makakaunawa.
29Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.
30Kahit na ang mga kabataan ay napapagod
at nanlulupaypay.
31Ngunit muling lumalakas
at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.
Lilipad silang tulad ng mga agila.
Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod,
sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kasalukuyang Napili:

Isaias 40: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in