Isaias 66
66
Hahatulan ni Yahweh ang mga Bansa
1Ito#Mt. 5:34; 23:22; Mt. 5:35. #Gw. 7:49-50. ang sabi ni Yahweh:
“Ang aking trono ay ang kalangitan,
at ang daigdig ang aking tuntungan.
Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin?
Anong klaseng lugar ang aking titirhan?
2Sa lahat ng bagay ako ang maylikha,
kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito.
Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbabá at nagsisipagsisi,
sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.
3Ginagawa ng tao ang kanyang maibigan,
at matutuwa pang gumawa ng kasamaan.
Para sa kanya ay walang kaibahan ang handog na toro o kaya ay tao;
ang handog na tupa o patay na aso;
ang handog na pagkaing butil o dugo ng baboy;
ang pagsusunog ng insenso o ang pagdarasal sa diyus-diyosan.
Natutuwa sila sa nakakahiyang pagsamba.
4Dahil dito, ipararanas ko sa kanila
ang kapahamakang kinatatakutan nila.
Sapagkat nang ako'y tumawag walang tumugon kahit na isa;
nang ako'y magsalita, walang gustong makinig.
Ginusto pa nila ang sumuway sa akin
at gumawa ng masama.”
5Pakinggan ninyo si Yahweh,
kayong natatakot at sumusunod sa kanyang salita:
“Kinamumuhian at itinataboy kayo ng inyong sariling kababayan, nang dahil sa akin;
at sinasabi pa nila, ‘Ipakita ni Yahweh ang kanyang kadakilaan at iligtas niya kayo
para makita namin kayong natutuwa.’
Ngunit mapapahiya sila sa kanilang sarili.
6Pakinggan ninyo at sa lunsod ay nagkakagulo,
at mayroong ingay na buhat sa Templo!
Iyon ay likha ng pagpaparusa ni Yahweh sa kanyang mga kaaway!
7“Ang#Pah. 12:5. aking banal na lunsod ay parang babaing biglang nanganak;
kahit hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan,
isang lalaki ang kanyang inianak.
8May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan?
Isang bansang biglang isinilang?
Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagal
upang ang isang bansa ay kanyang isilang.”
9Ang sabi ni Yahweh:
“Huwag ninyong isipin na ang bayan ko'y
hahayaang umabot sa panahong dapat nang iluwal,
at pagkatapos ay pipigilin sa pagsilang.”
10Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya;
kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito!
Kayo'y makigalak at makipagsaya,
lahat kayong tumangis para sa kanya.
11Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya,
tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina.
12Sabi ni Yahweh:
“Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan.
Ang kayamanan ng ibang bansa ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog.
Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina.
13Aaliwin kita sa Jerusalem,
tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.
14Ikaw ay magagalak kapag nakita mo ang lahat ng ito;
ikaw ay lalakas at lulusog.
Sa gayon, malalaman mong akong si Yahweh ang tumutulong sa mga sumusunod sa akin;
at siya ring nagpaparusa sa mga kaaway.”
15Darating si Yahweh na may dalang apoy
at nakasakay sa mga pakpak ng bagyo
upang parusahan ang mga kinamumuhian niya.
16Apoy at espada ang gagamitin niya
sa pagpaparusa sa mga nagkasala;
tiyak na marami ang mamamatay.
17Ang sabi ni Yahweh, “Malapit na ang wakas ng mga naglilinis ayon sa tuntunin ng pagsambang pagano, sumasama sa nagpuprusisyon patungo sa mga sagradong hardin, at kumakain ng karne ng baboy, daga at iba pang hayop na marumi.
18“Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan. 19Malalaman din nilang ako ang nagpaparusa sa kanila. Ngunit magtitira ako ng ilan upang ipadala sa iba't ibang bansa. Susuguin ko sila sa Tarsis, sa Libya at sa Lydia, mga dakong sanay sa paggamit ng pana. Magsusugo rin ako sa Tubal at Javan, at sa mga baybaying hindi pa ako nababalita sa aking kabantugan. Ipahahayag nila sa lahat ng bansa kung gaano ako kadakila. 20Bilang handog sa akin sa banal na bundok sa Jerusalem, ibabalik nila ang mga kababayan ninyo buhat sa pinagtapunan sa kanila. Sila'y darating na sakay ng mga kabayo, asno, kamelyo, karwahe at kariton, tulad ng pagdadala ng mga handog na pagkaing butil sa Templo, nakalagay sa malilinis na sisidlan ayon sa kautusan. 21Ang iba sa kanila ay gagawin kong mga pari at ang iba naman ay Levita.
22“Kung#Isa. 65:17; 2 Ped. 3:13; Pah. 21: 1. paanong tatagal ang bagong langit at bagong lupa
sa pamamagitan ng aking kapangyarihan,
gayon tatagal ang lahi mo at pangalan.
23Tuwing Araw ng Pamamahinga at Pista ng Bagong Buwan,
lahat ng bansa ay sasamba sa akin,”
ang sabi ni Yahweh.
24“Sa#Jdt. 16:17; Mc. 9:48. kanilang pag-alis, makikita nila ang mga bangkay ng mga naghimagsik laban sa akin. Ang uod na kakain sa kanila'y hindi mamamatay, gayon din ang apoy na susunog sa kanila. Ang kalagayan nila'y magiging kahiya-hiya sa buong sangkatauhan.”
Kasalukuyang Napili:
Isaias 66: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: