Job 22
22
Ang Ikatlong Sagutan
(22:1–27:23)
1Ang sagot ni Elifaz na taga-Teman:
2“Ang#Job 35:6-8. tao ba'y may maitutulong sa Diyos na Manlilikha,
kahit na siya'y marunong o kaya ay dakila?
3May pakinabang ba ang Makapangyarihang Diyos kung ikaw ay matuwid,
may mapapala ba siya kung ikaw man ay malinis?
4Dahil ba sa takot mo sa kanya, kaya ka niya sinasaway,
pinagsasabihan at dinadala sa hukuman?
5Hindi! Ito'y dahil sa napakalaki ng iyong kasalanan,
at sa mga ginagawa mong mga kasamaan.
6Mga kapatid mo'y iyong pinaghuhubad,
upang sa utang nila sa iyo sila'y makabayad.
7Ang mga nauuhaw ay hindi mo pinainom;
hindi mo pinakain ang mga nagugutom.
8Lakas mo ang ginagamit kaya lupa'y nakakamkam,
at ibinibigay ito sa iyong kinalulugdan.
9Hindi mo na nga tinulungan ang mga biyuda,
inaapi mo pa ang mga ulila.
10Kaya napapaligiran ka ngayon ng mga bitag,
at bigla kang binalot ng mga sindak.
11Paligid mo'y nagdidilim kaya di ka makakita,
maging tubig nitong baha ay natatabunan ka.
12“Di ba't ang Diyos ay nasa mataas na kalangitan,
at ang mga bituin sa itaas ay kanyang tinutunghayan?
13Ngunit ang sabi mo, ‘Ang Diyos ay walang nalalaman,
at hindi tayo mahahatulan, pagkat sa ulap siya'y natatakpan.’
14Akala mo'y dahil sa ulap ay di na siya makakakita,
at sa ibabaw ng himpapawid, ay palakad-lakad lang siya.
15“Talaga bang nais mong lakaran ang dating daan,
landas na tinahak ng mga nasanay sa kasamaan?
16Kahit wala pa sa panahon sila'y tinatangay na ng baha,
sapagkat ang kanilang pundasyon ay lubos na nagiba.
17Sinabi nila sa Diyos na sila'y kanyang layuan,
at wala naman daw magagawa sa kanila ang Diyos na Makapangyarihan.
18Sa kabila nito, sila pa rin ay pinagpala;
di ko talaga maunawaan ang pag-iisip ng masama.
19Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalak
kapag nakita nilang ang masama'y napapahamak.
20Sabi nila, ‘Ang mga kaaway nati'y nalugmok,
at ang mga ari-arian nila ay natupok.’
21“Sumang-ayon ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya,
ang buhay mo'y gaganda at magiging maginhawa.
22Makinig ka sa kanyang itinuturo,
mga sinasabi niya'y itanim mo sa iyong puso.
23Manumbalik ka sa Makapangyarihan, ikaw ay magpakumbabá,
at alisin mo sa iyong tahanan lahat ng gawaing masama.
24Ang lahat mong kayamanan ay itapon mo sa alabok,
at ang mamahaling ginto ay ihagis mo na sa ilog.
25Ang Diyos na Makapangyarihan ang ituring mong yaman,
na siyang ginto't pilak na iyong papahalagahan.
26Sa Makapangyarihang Diyos ka palaging magtiwala,
at ang Maykapal ang pagkukunan mo ng tuwa.
27Papakinggan niya ang iyong panalangin,
kaya't ang mga panata mo ay iyong tuparin.
28Lagi kang magtatagumpay sa iyong mga balak,
at ang landas mo ay magliliwanag.
29Ang mga palalo'y ibinabagsak nga ng Diyos,
ngunit inililigtas ang mapagpakumbabang-loob.
30Ililigtas ka niya kung wala kang kasalanan,
at kung ang ginagawa mo ay nasa katuwiran.”
Kasalukuyang Napili:
Job 22: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: