Job 7
7
Ipinahayag ni Job ang Kanyang Pagdaramdam
1“Ang buhay ng tao'y punung-puno ng pagod,
tulad ng kawal at manggagawang pilit na pinaglingkod.
2Siya'y tulad ng alipin, na naghahanap ng lilim,
tulad ng manggagawa, sahod ang ninanasa.
3Buhay ko'y wala nang kahulugan sa paglipas ng mga buwan,
at tuwing sasapit ang gabi ako ay nagdadalamhati.
4Ang gabi ay matagal, parang wala nang umaga,
di mapanatag sa higaan, hanggang umaga'y balisa.
5Itong buo kong katawan ay tadtad ng mga sugat,
inuuod, kumikirot,
ang nana ay lumalabas.
6Mga araw ko'y lumilipas nang walang pag-asa,
kay bilis umikot parang sa makina.
7“Alalahanin ninyong ang buhay ko'y isang hininga lamang,
hindi na ako muling makakakita nang kabutihan.
8Kaunting panahon na lang at ako ay papanaw,
di na ninyo ako makikita, at di na matatagpuan.
9Tulad#Kar. 2:1-4. ng ulap na napapadpad at naglalaho,
kapag namatay ang tao, di na siya makakabalik sa mundo.
10Hindi na siya makakauwi kailanman,
mga kakilala niya, siya'y malilimutan.
11Kaya ako'y hindi mapipigil na magbuka nitong bibig,
upang ibulalas ang pait sa loob ng aking dibdib.
12Bakit ako'y inyong binabantayan?
Ako ba'y dambuhalang mula sa karagatan?
13Ako ay nahihiga upang ako'y magpahinga,
upang kahit sandali sakit ko ay mapawi.
14Ngunit maging sa pagtulog ako'y iyong tinatakot,
masasamang panaginip, pangitain at mga bangungot.
15Kaya, nais ko pang ako ay mabigti,
kaysa mabuhay sa katawang may pighati.
16Ako'y hirap na hirap na, ayaw ko nang mabuhay;
iwan mo na ako, buhay ko'y wala rin lang saysay.
17“Ano#Awit 8:4; 144:3. ba ang tao upang iyong pahalagahan,
bakit pinapansin mo ang kanyang mga galaw?
18Tuwing umaga siya'y iyong sinusuri,
sinusubok mo siya sa bawat sandali.
19Kahit saglit, ilayo mo sa akin ang iyong tingin,
nang ako'y magkapanahon na laway ay lunukin.
20Kung ako'y nagkasala, ano ba naman iyon sa iyo? Ikaw na tagapagmasid ng mga tao,
bakit ba ako ang napagbubuntunan mo?
Ako ba ay isang pabigat sa iyo?
21Bakit di pa patawarin ang aking kasalanan?
Bakit di pa kalimutan ang aking pagkukulang,
ako rin lang ay patungo na sa huli kong hantungan?
Ako'y iyong hahanapin ngunit di matatagpuan.”
Kasalukuyang Napili:
Job 7: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: