Mga Awit 37
37
Ang Kahihinatnan ng Masama at ng Mabuti
Katha ni David.
1Huwag kang mabalisa dahil sa masama;
huwag mong kainggitan liko nilang gawa.
2Katulad ng damo, sila'y malalanta,
tulad ng halaman, matutuyo sila.
3Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
4Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.
5Ang iyong sarili'y sa kanya italaga,
tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.
6Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
katulad ng araw kung tanghaling-tapat.
7Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya;
huwag mong kainggitan ang gumiginhawa,
sa likong paraan, umunlad man sila.
8Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana;
walang kabutihang makakamtan ka.
9Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan,
ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.
10Hindi magtatagal, sila'y mapaparam,
kahit hanapin mo'y di masusumpungan.
11Tatamuhin#Mt. 5:5. ng mga mapagpakumbabá, ang lupang pangako na kanyang pamana;
at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.
12Ang taong masama'y laban sa matuwid,
napopoot siyang ngipi'y nagngangalit.
13Si Yahweh'y natatawa lang sa masama,
pagkat araw nila lahat ay bilang na.
14Taglay ng masama'y pana at patalim,
upang ang mahirap dustai't patayin,
at ang mabubuti naman ay lipulin.
15Ngunit sa sariling tabak mamamatay,
pawang mawawasak pana nilang taglay.
16Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti,
kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y bale-wala.
17Lakas ng masama ay aalisin,
ngunit ang matuwid ay kakalingain.
18Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin,
ang lupang minana'y di na babawiin.
19Kahit na sumapit ang paghihikahos,
di daranasin ang pagdarahop.
20Ngunit ang masama'y pawang mamamatay;
kalaban ni Yahweh, tiyak mapaparam, tulad ng bulaklak at mga halaman;
para silang usok na paiilanlang.
21Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa,
ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.
22Lahat ng mga taong pinagpala ni Yahweh, lupang masagana, kanilang bahagi;
ngunit ang sinuman na kanyang sumpain, sa lupaing iyon ay palalayasin.
23Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas;
sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.
24Kahit na mabuwal, siya ay babangon,
pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.
25Mula pagkabata't ngayong tumanda na,
sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya;
o ang anak niya'y naging hampas-lupa.
26Sa lahat ng oras, bukás pa ang palad sa pagkakaloob sa mga mahirap;
pagpapala'y laan ng kanilang mga anak.
27Masama'y itakwil, mabuti ang gawin,
upang manahan kang lagi sa lupain.
28Ang lahat ng taong wasto ang gawain,
ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil.
Sila'y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.
29Ang mga matuwid, ligtas na titira,
at di na aalis sa lupang pamana.
30Sa bibig ng matuwid namumutawi'y karunungan;
at sa labi nila'y pawang katarungan.
31Ang utos ng Diyos ang laman ng puso,
sa utos na ito'y hindi lumalayo.
32Ang taong masama'y laging nag-aabang,
sa taong matuwid nang ito'y mapatay;
33ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway;
di rin magdurusa kahit paratangan.
34Manalig ka kay Yahweh, utos niya'y sundin;
ikaw ay lalakas upang ang lupain ay kamtin,
at ang mga taksil makikitang palalayasin.
35Ako'y may nakitang taong abusado,
itaas ang sarili ang kanyang gusto; kahoy sa Lebanon ang tulad nito.
36Lumipas ang araw, ang aking napuna, nang ako'y magdaan, ang tao'y wala na;
hinanap-hanap ko'y di ko na makita.
37Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan,
mapayapang tao'y patuloy ang angkan.
38Ngunit wawasaking lubos ang masama,
lahi'y lilipulin sa balat ng lupa.
39Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid,
iingatan sila kapag naliligalig.
40Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.
Kasalukuyang Napili:
Mga Awit 37: MBB05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

:
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society