At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: kundi lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan. At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat. Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: palibnasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili, At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman. At si Jose, na pinamagatang Bernabe ng mga apostol (na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral), isang Levita, tubo sa Chipre, Na may isang bukid, ay ipinagbili ito, at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.
Basahin Mga Gawa 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Gawa 4:32-37
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas