Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid. Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa. At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon. Mga alipin, magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, na may takot at panginginig, sa katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo; Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios; Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao: Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, maging alipin o laya.
Basahin Mga Taga-Efeso 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Efeso 6:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas