Mga Awit 138
138
1Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. 2Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan. 3Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa. 4Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig. 5Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon; sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon. 6Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo. 7Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako; iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanan. 8Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin: ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man; huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.
Kasalukuyang Napili:
Mga Awit 138: TLAB
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

: