Mga Awit 83
83
1Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios. 2Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo. 3Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli. 4Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa. 5Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan: 6Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno; 7Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro: 8Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot. 9Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison: 10Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa. 11Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna; 12Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios. 13Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin. 14Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok; 15Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos. 16Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon. 17Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol: 18Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.
Kasalukuyang Napili:
Mga Awit 83: TLAB
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

: