Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA-CORINTO 10:23-33

I MGA TAGA-CORINTO 10:23-33 ABTAG01

“Lahat ng mga bagay ay matuwid,” ngunit hindi lahat ng bagay ay makakabuti. “Lahat ng mga bagay ay matuwid,” ngunit hindi ang lahat ng mga bagay ay makakapagpatibay. Huwag hanapin ng sinuman ang kanyang sariling kapakanan kundi ang kapakanan ng iba. Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo na walang pagtatanong dahil sa budhi, sapagkat “ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng naririto.” Kung kayo'y anyayahan ng isang hindi sumasampalataya at ibig ninyong pumunta, ang anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo na walang pagtatanong dahil sa budhi. Subalit kung sa inyo'y may magsabi, “Ito'y inialay bilang handog,” ay huwag ninyong kainin, alang-alang sa taong nagsabi, at dahilan sa budhi. Ang ibig kong sabihin ay ang budhi niya, hindi ang sa iyo. Sapagkat bakit ang aking kalayaan ay paiilalim sa pasiya ng budhi ng iba? Kung ako'y nakikisalo na may pagpapasalamat, bakit ako'y tutuligsain ng dahil sa bagay na aking ipinagpapasalamat? Kaya kung kayo man ay kumakain, umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos. Huwag kayong maging katitisuran para sa mga Judio, o sa mga Griyego, o sa iglesya ng Diyos, kung paanong sinisikap kong makapagbigay-lugod sa lahat ng mga tao sa lahat ng mga bagay, na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakanan, kundi ang sa marami, upang sila'y maligtas.