I SAMUEL 6
6
Ibinalik ang Kaban ng Tipan
1Ang kaban ng Panginoon ay nasa lupain ng mga Filisteo sa loob ng pitong buwan.
2Ipinatawag ng mga Filisteo ang mga pari at ang mga manghuhula, na sinasabi, “Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Sabihin ninyo sa amin kung anong aming ipapadala kasama nito sa kanyang dako.”
3At kanilang sinabi, “Kung inyong ipapadala ang kaban ng Diyos ng Israel, huwag ninyong ipadalang walang laman, kundi gawin ninyo ang lahat ng paraan na maibalik siya na may handog para sa budhing nagkasala. Kung magkagayo'y gagaling kayo at malalaman ninyo kung bakit ang kanyang kamay ay hindi humihiwalay sa inyo.”
4Kanilang sinabi, “Ano ang handog para sa budhing nagkasala na aming ibabalik sa kanya?” At kanilang sinabi, “Limang gintong bukol, at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga panginoon ng mga Filisteo; sapagkat iisang salot ang dumating sa inyong lahat at sa inyong mga panginoon.
5Kaya't kailangang gumawa kayo ng mga anyo ng inyong mga bukol at daga na sumira ng lupain, at inyong bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos ng Israel, baka sakaling kanyang pagaanin ang kanyang kamay sa inyo, sa inyong mga diyos, at sa inyong lupain.
6Bakit ninyo pinagmamatigas ang inyong puso gaya ng mga taga-Ehipto at ni Faraon na pinagmatigas ang kanilang puso? Pagkatapos na siya'y makagawa ng kahanga-hanga sa kanila, di ba pinahintulutan nilang umalis ang bayan, at sila'y umalis?
7Ngayo'y kumuha kayo at maghanda ng isang bagong kariton, at dalawang bagong bakang gatasan na hindi pa napatungan ng pamatok; at ikabit ninyo ang mga baka sa kariton ngunit iuwi ninyo ang kanilang mga guya.
8Kunin ninyo ang kaban ng Panginoon, ilagay ninyo sa kariton, at isilid ninyo sa isang kahon na nasa tabi niyon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kanya bilang handog para sa budhing nagkasala. Pagkatapos ay paalisin na ninyo, at hayaang lumakad.
9Masdan ninyo. Kung umahon sa daang patungo sa kanyang sariling lupain sa Bet-shemes, kung gayon ay siya nga ang gumawa sa atin ng malaking pinsalang ito. Ngunit kung hindi, malalaman natin na hindi ang kanyang kamay ang nanakit sa atin, ito ay pangyayaring nagkataon lamang.”
10Gayon ang ginawa ng mga lalaki, at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan at ikinabit sa kariton, at ikinulong ang kanilang mga guya sa bahay.
11Kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa kariton at ang kahon na may mga dagang ginto at mga anyo ng kanilang mga bukol.
12Ang mga baka ay tuluy-tuloy sa daang patungo sa Bet-shemes; sila'y nagpatuloy sa lansangan, na umuungal habang humahayo. Sila'y hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa; at ang mga panginoon ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Bet-shemes.
13Noon ang mga taga-Bet-shemes ay nag-aani ng kanilang trigo sa libis. Nang sila'y tumingin at nakita ang kaban, sila ay nagalak na makita iyon.
14Ang kariton ay dumating sa bukid ni Josue na taga-Bet-shemes at huminto roon. Isang malaking bato ang naroroon; at kanilang biniyak ang kahoy ng kariton at inihandog sa Panginoon ang mga baka bilang handog na sinusunog.
15Ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon at ang kahon na nasa tagiliran niyon na may lamang mga hiyas na ginto, at ipinatong sa malaking bato. Ang mga lalaki sa Bet-shemes ay naghandog ng mga handog na sinusunog at nag-alay ng mga alay sa Panginoon nang araw ding iyon.
16Nang makita ito ng limang panginoon ng mga Filisteo, sila ay bumalik sa Ekron nang araw ding iyon.
17Ito ang mga gintong bukol na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon bilang handog para sa budhing nagkasala: isa sa Asdod, isa sa Gaza, isa sa Ascalon, isa sa Gat, at isa sa Ekron.
18Ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga lunsod ng mga Filisteo na sakop ng limang panginoon, ang mga lunsod na nakukutaan at mga nayon sa kaparangan. Ang malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon ay isang saksi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na taga-Bet-shemes.
19Kanyang pinatay ang ilan sa mga tao sa Bet-shemes, sapagkat kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon. Pumatay siya sa bayan ng pitumpung lalaki at limampung libong katao. Ang bayan ay nagluksa sapagkat ang Panginoon ay gumawa ng malaking pagpatay sa taong-bayan.
20Sinabi ng mga lalaking taga-Bet-shemes, “Sino ang makakatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na Diyos? Kanino niya ito ipadadala upang mapalayo sa atin?”
21Kaya't sila'y nagpadala ng mga sugo sa mga naninirahan sa Kiryat-jearim, na nagsasabi, “Ibinalik na ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y lumusong at iahon ninyo sa inyo.”
Kasalukuyang Napili:
I SAMUEL 6: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: