I TIMOTEO 3
3
Mga Katangian ng Magiging Obispo
1Tapat ang salita: Kung ang sinuman ay naghahangad na maging obispo,#3:1 o tagapangasiwa. siya ay nagnanais ng mabuting gawain.
2Kailangan#Tito 1:6-9 na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isang babae, mapagpigil, matino ang pag-iisip, kagalang-galang, mapagpatuloy ng panauhin, mahusay magturo,
3hindi mahilig sa alak, hindi mapusok kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi maibigin sa salapi.
4Dapat ay pinamamahalaan niyang mabuti ang kanyang sariling sambahayan, sinusupil ang kanyang mga anak, at may lubos na paggalang.
5Sapagkat kung ang sinuman ay hindi marunong mamahala ng kanyang sariling sambahayan, paano niya pangangalagaan ang iglesya ng Diyos?
6Hindi isang bagong hikayat, baka siya magpalalo at mahulog sa kahatulan ng diyablo.
7Bukod dito'y dapat din namang siya'y magkaroon ng mabuting patotoo mula sa mga nasa labas, baka siya mahulog sa kahihiyan at bitag ng diyablo.
Mga Katangian sa Pagiging Diakono
8Gayundin naman ang mga diakono ay dapat na maging kagalang-galang, hindi dalawang dila, hindi nalululong sa maraming alak, hindi mga sakim sa masamang pagkakakitaan,
9na iniingatan ang hiwaga ng pananampalataya nang may malinis na budhi.
10At ang mga ito rin naman ay subukin muna; at kung mapatunayang walang kapintasan, hayaan silang maglingkod bilang mga diakono.
11Gayundin naman, ang mga babae ay dapat na maging kagalang-galang, hindi mapanirang-puri, kundi mapagpigil, tapat sa lahat ng mga bagay.
12Ang mga diakono ay dapat na may tig-iisang asawa lamang, at pinamamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sambahayan.
13Sapagkat ang mga nakapaglingkod nang mabuti bilang mga diakono ay nagtatamo para sa kanilang sarili ng isang mabuting katayuan, at ng malaking pagtitiwala sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
Ang Hiwaga ng Ating Pananampalataya
14Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na umaasang makakarating sa iyo sa madaling panahon,
15ngunit kung ako'y maantala, ay maaari mong malaman kung ano ang dapat ugaliin ng bawat tao sa bahay ng Diyos, na siyang iglesya ng Diyos na buháy, ang haligi at suhay ng katotohanan.
16Walang pag-aalinlangan, dakila ang hiwaga ng kabanalan:
Siyang#3:16 Sa ibang mga kasulatan ay Ang Diyos. nahayag sa laman,
pinatunayang matuwid sa espiritu,#3:16 o sa pamamagitan ng Espiritu. nakita ng mga anghel,
ipinangaral sa mga bansa,
sinampalatayanan sa sanlibutan,
tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.
Kasalukuyang Napili:
I TIMOTEO 3: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: