Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA CRONICA 11

11
Ang Propesiya ni Shemaya
(1 Ha. 12:21-24)
1Nang dumating si Rehoboam sa Jerusalem, kanyang tinipon ang sambahayan ni Juda at ni Benjamin, na isandaan at walumpung libong mandirigma upang lumaban sa Israel, at ibalik ang kaharian kay Rehoboam.
2Ngunit ang salita ng Panginoon ay dumating kay Shemaya na tao ng Diyos:
3“Sabihin mo kay Rehoboam na anak ni Solomon, na hari ng Juda, at sa buong Israel sa Juda at Benjamin,
4‘Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong aahon o lalaban sa inyong mga kapatid. Bumalik ang bawat lalaki sa kanyang bahay; sapagkat ang bagay na ito ay galing sa akin.’” Kaya't sila'y nakinig sa salita ng Panginoon, at nagbalik at hindi umahon laban kay Jeroboam.
Pinatibay ni Rehoboam ang mga Lunsod
5Si Rehoboam ay nanirahan sa Jerusalem, at nagtayo siya ng mga lunsod sa Juda bilang sanggalang.
6Kanyang itinayo ang Bethlehem, Etam, Tekoa,
7Bet-zur, Soco, Adullam,
8Gat, Maresha, Zif,
9Adoraim, Lakish, Azeka,
10Zora, Ayalon, Hebron, mga lunsod na may kuta na nasa Juda at sa Benjamin.
11Kanyang pinatibay ang mga kuta, at naglagay ng punong-kawal at nag-imbak ng pagkain, langis, at alak.
12Siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat sa lahat ng mga bayan at pinalakas silang mabuti. Sa gayon niya hinawakan ang Juda at Benjamin.
Ang mga Pari at Levita ay Pumaroon sa Juda
13At ang mga pari at mga Levita na nasa buong Israel ay napasakop sa kanya mula sa lahat ng lugar na kanilang tinitirhan.
14Iniwan ng mga Levita ang kanilang mga lupain at ari-arian at nagtungo sa Juda at Jerusalem; sapagkat pinalayas sila ni Jeroboam at ng kanyang mga anak sa paglilingkod bilang mga pari ng Panginoon,
15at#1 Ha. 12:31 siya'y humirang ng sarili niyang mga pari para sa matataas na dako, at para sa mga kambing na demonyo, at para sa mga guya na kanyang ginawa.
16At ang lahat ng naglagak ng kanilang mga puso upang hanapin ang Panginoong Diyos ng Israel ay dumating pagkatapos nila mula sa lahat ng lipi ng Israel sa Jerusalem upang maghandog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga magulang.
17Kanilang pinalakas ang kaharian ng Juda, at sa loob ng tatlong taon ay pinatatag nila si Rehoboam na anak ni Solomon, sapagkat sila'y lumakad ng tatlong taon sa landas nina David at Solomon.
Ang Sambahayan ni Rehoboam
18Nag-asawa si Rehoboam kay Mahalat na anak ni Jerimot na anak ni David, at ni Abihail na anak ni Eliab, na anak ni Jesse;
19at siya'y nagkaanak sa kanya ng mga lalaki; sina Jeus, Shemarias, at Zaham.
20Pagkatapos niya, kinuha niya si Maaca na anak na babae ni Absalom; ipinanganak nito sa kanya sina Abias, Atai, Ziza, at Shelomit.
21Minahal ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom nang higit kaysa lahat ng kanyang mga asawa at sa kanyang mga asawang-lingkod (nagkaroon siya ng labingwalong asawa at animnapung asawang-lingkod, at mayroong dalawampu't walong anak na lalaki at animnapung anak na babae);
22at hinirang ni Rehoboam si Abias na anak ni Maaca bilang pinuno ng kanyang mga kapatid, sapagkat balak niyang gawin siyang hari.
23Siya'y kumilos na may katalinuhan, at kanyang ikinalat ang ilan sa kanyang mga anak sa buong lupain ng Juda at Benjamin, sa lahat ng bayang may pader; at kanyang binigyan sila ng saganang pagkain at humanap ng mga asawa para sa kanila.

Kasalukuyang Napili:

II MGA CRONICA 11: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in