MGA GAWA 25
25
Dumulog si Pablo sa Emperador
1Pagkaraan ng tatlong araw, pagkarating ni Festo sa lalawigan, pumunta siya sa Jerusalem mula sa Cesarea,
2at doon ang mga punong pari at ang mga pinuno ng mga Judio ay nag-ulat sa kanya laban kay Pablo. Sila'y nanawagan sa kanya,
3at nakiusap bilang tulong sa kanila laban kay Pablo, na siya ay ilipat sa Jerusalem. Sila'y nagbabalak ng pananambang upang siya'y patayin sa daan.
4Sumagot si Festo na si Pablo ay binabantayan sa Cesarea, at siya mismo ay pupunta roon sa lalong madaling panahon.
5“Kaya nga,” sinabi niya, “ang mga lalaking may awtoridad sa inyo ay sumama sa akin, at kung may anumang pagkakasala ang taong ito, magharap sila ng sakdal laban sa kanya.”
6Pagkatapos na siya'y makatigil sa kanila nang hindi hihigit sa walo o sampung araw, ay pumunta siya sa Cesarea, at nang sumunod na araw ay umupo siya sa hukuman, at iniutos na dalhin si Pablo.
7Nang siya'y dumating, ang mga Judio na dumating mula sa Jerusalem ay tumayo sa paligid niya na may dalang marami at mabibigat na mga paratang laban sa kanya na hindi nila mapatunayan.
8Sinasabi ni Pablo sa kanyang pagtatanggol, “Hindi ako nagkasala ng anuman laban sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar.”
9Ngunit si Festo, sa pagnanais na gawan ng ikalulugod ang mga Judio, ay nagsabi kay Pablo, “Ibig mo bang pumunta sa Jerusalem at doon ka litisin sa mga bagay na ito sa harapan ko?”
10Ngunit sinabi ni Pablo, “Dudulog ako sa hukuman ni Cesar; doon ako dapat litisin. Wala akong ginawang masama sa mga Judio, tulad ng alam na alam mo.
11Kung ako ay isang salarin, at nakagawa ng anumang bagay na karapat-dapat sa kamatayan, hindi ako tatakas sa kamatayan. Ngunit kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal nila laban sa akin, walang sinumang makapagbibigay sa akin sa kanila. Dudulog ako kay Cesar.”
12At si Festo, pagkatapos sumangguni sa Sanhedrin, ay sumagot, “Nais mong dumulog kay Cesar; kay Cesar ka pupunta.”
Iniharap si Pablo kina Agripa at Bernice
13Nang makaraan ang ilang araw, si Haring Agripa at si Bernice ay dumating sa Cesarea upang batiin si Festo.
14Sa kanilang pagtigil doon ng maraming araw, isinalaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, “May isang lalaking bilanggo na iniwan ni Felix;
15at noong ako'y nasa Jerusalem ay ipinagbigay-alam ng mga punong pari at ng matatanda sa mga Judio ang tungkol sa kanya na hinihinging humatol ako laban sa kanya.
16Sinabi ko sa kanila na hindi kaugalian ng mga taga-Roma na ibigay ang sinumang tao, hanggang hindi nakakaharap ng isinasakdal ang mga nagsasakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kanyang pagtatanggol tungkol sa paratang laban sa kanya.
17Kaya't nang sila'y magkatipon dito, hindi ako nagpaliban kundi nang sumunod na araw ay umupo ako sa hukuman at iniutos kong iharap ang tao.
18Nang tumayo ang mga nagsasakdal, walang sakdal na masamang bagay na maiharap laban sa kanya na gaya ng aking iniisip.
19Sa halip, may ilan silang di-pagkakasundo laban sa kanya tungkol sa kanilang sariling relihiyon, at sa isang Jesus, na namatay na, ngunit pinaninindigan ni Pablo na buháy.
20At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa pagsisiyasat ng mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumunta sa Jerusalem at doon siya litisin tungkol sa mga bagay na ito.
21Ngunit nang maghabol si Pablo na siya'y bantayan para sa pasiya ng emperador, ay ipinag-utos kong bantayan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar.”
22At sinabi ni Agripa kay Festo, “Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao.” “Bukas,” sinabi niya, “siya'y mapapakinggan mo.”
23Kaya't kinabukasan, dumating si Agripa at si Bernice na may buong karilagan. Nang pumasok na sila sa bulwagan ng hukuman kasama ang mga punong kapitan at ang mga pangunahin sa bayan, ipinasok si Pablo sa utos ni Festo.
24At sinabi ni Festo, “Haring Agripa, at mga nariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito. Siya ay ipinagsasakdal sa akin ng buong bayan ng mga Judio, sa Jerusalem at dito, na isinisigaw na hindi siya dapat mabuhay pa.
25Ngunit aking natagpuang wala siyang ginawang anuman na marapat sa kamatayan; at yamang siya mismo ay dumudulog sa emperador, ipinasiya kong siya'y ipadala.
26Ngunit wala akong tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalung-lalo na sa harapan mo, Haring Agripa, upang pagkatapos nating siyasatin siya, ay magkaroon ako ng maisusulat.
27Sapagkat inaakala kong hindi makatuwiran na sa pagpapadala ng isang bilanggo, ay hindi mailahad ang sakdal laban sa kanya.”
Kasalukuyang Napili:
MGA GAWA 25: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: