Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 18:15-22

DEUTERONOMIO 18:15-22 ABTAG01

“Palilitawin ng PANGINOON mong Diyos para sa iyo ang isang propeta na gaya ko mula sa iyong sariling mga kapatid. Sa kanya kayo makikinig. Ito ang inyong hiniling sa PANGINOON mong Diyos sa Horeb, sa araw ng pagtitipon nang inyong sabihin, ‘Huwag mong muling iparinig sa akin ang tinig ng PANGINOON kong Diyos, ni ipakita pa sa akin itong malaking apoy, upang huwag akong mamatay.’ At sinabi ng PANGINOON sa akin, ‘Tama ang sinasabi nila. Ako'y hihirang para sa kanila ng isang propeta na gaya mo mula sa kanilang mga kapatid at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya at kanyang sasabihin sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya. At sinumang hindi makikinig sa aking mga salita na kanyang bibigkasin sa aking pangalan ay pananagutin ko tungkol doon. Ngunit ang propetang magsasalita ng salitang may kapangahasan sa aking pangalan, na hindi ko iniutos na kanyang sabihin o magsasalita sa pangalan ng ibang mga diyos, ang propetang iyon ay mamamatay.’ At kung iyong sasabihin sa iyong puso, ‘Paano namin malalaman ang salita na hindi sinabi ng PANGINOON?’ Kapag ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng PANGINOON, kung ang bagay na sinasabi ay hindi naganap ni nagkatotoo, ang salitang iyon ay hindi sinabi ng PANGINOON; ang propetang iyon ay nagsalita nang may kapangahasan, huwag mo siyang katatakutan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa DEUTERONOMIO 18:15-22