DEUTERONOMIO 34
34
Ang Kamatayan ni Moises
1Pagkatapos ay umakyat si Moises sa bundok ng Nebo mula sa mga kapatagan ng Moab, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At ipinakita sa kanya ng Panginoon ang buong lupain ng Gilead hanggang sa Dan,
2ang buong Neftali, ang lupain ng Efraim at ng Manases, at ang buong lupain ng Juda hanggang sa dagat sa kanluran,
3ang Negeb at ang kapatagan ng libis ng Jerico na lunsod ng mga puno ng palma hanggang sa Zoar.
4At#Gen. 12:7; Gen. 26:3; Gen. 28:13 sinabi ng Panginoon sa kanya, “Ito ang lupain na aking ipinangako kina Abraham, Isaac, at Jacob, na sinasabi, ‘Aking ibibigay sa iyong binhi;’ aking ipinakita sa iyo, ngunit hindi ka daraan doon.”
5Kaya't si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.
6Kanyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Bet-peor; ngunit walang sinumang tao ang nakakaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito.
7Si Moises ay isandaan at dalawampung taong gulang nang siya'y mamatay. Ang kanyang mata'y hindi lumabo, ni ang kanyang likas na lakas ay humina.
8At ipinagluksa ng mga anak ni Israel si Moises nang tatlumpung araw sa mga kapatagan ng Moab, at natapos ang mga araw ng pagtangis at pagluluksa para kay Moises.
9Si Josue na anak ni Nun ay puspos ng espiritu ng karunungan, sapagkat ipinatong ni Moises ang kanyang mga kamay sa kanya. Pinakinggan siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
10At#Exo. 33:11 wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises, na kilala ng Panginoon nang mukhaan.
11Walang tulad niya dahil sa lahat ng mga tanda at mga kababalaghang iniutos ng Panginoon na gawin niya sa lupain ng Ehipto, kay Faraon, at sa lahat ng kanyang mga lingkod, at sa kanyang buong lupain,
12at dahil sa makapangyarihang kamay at sa dakila at kakilakilabot na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel.
Kasalukuyang Napili:
DEUTERONOMIO 34: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: