ECLESIASTES 12
12
Payo upang Alalahanin ang Panginoon sa Kabataan
1Alalahanin mo rin naman ang Lumikha sa iyo sa mga araw ng iyong kabataan, bago dumating ang masasamang araw, at ang mga taon ay lumapit, na iyong sasabihin, “Wala akong kasiyahan sa mga iyon”;
2bago ang araw, liwanag, buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga ulap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.
3Sa araw na ang mga tagapag-ingat ng bahay ay manginig, at ang malalakas na lalaki ay mapayukod, at ang mga manggigiling ay tumigil sapagkat sila'y kakaunti, at ang mga dumudungaw sa mga bintana ay madidiliman,
4at ang mga pintuan sa mga lansangan ay sasarhan, kapag ang tunog ng panggiling ay mahina, at ang isang tao'y babangon sa huni ng ibon, at lahat ng mga anak na babae ng awitin ay mapababa;
5sila man ay matatakot sa mataas, at ang mga kakilakilabot ay nasa daan; at ang puno ng almendro ay mamulaklak; at ang balang ay maging pasan, at ang pagnanais ay mabigo, sapagkat ang tao ay nagtutungo sa kanyang walang hanggang tahanan, at ang mga nagluluksa ay gumagala sa mga lansangan;
6bago ang panaling pilak ay mapatid, o ang mangkok na ginto ay mabasag, o ang banga ay mabasag sa bukal, o ang gulong ay masira sa balon;
7at ang alabok ay bumalik sa lupa na gaya nang una, at ang espiritu ay bumalik sa Diyos na nagbigay nito.
8Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan.
9Bukod sa pagiging marunong, tinuruan din ng Mangangaral ang mga tao ng kaalaman; na maingat na tinitimbang, pinag-aaralan at isinasaayos ang maraming kawikaan.
10Humanap ang Mangangaral ng mga nakakalugod na salita, at matuwid niyang isinulat ang mga salita ng katotohanan.
11Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga pantaboy; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti ang mga tinipong kasabihan na ibinigay ng isang Pastol.
12Anak ko, mag-ingat ka sa anumang bagay na higit dito. Ang paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang sobrang pag-aaral ay kapaguran ng laman.
13Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig. Matakot ka sa Diyos, at sundin mo ang kanyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.#12:13 o ang tungkulin ng lahat ng tao.
14Sapagkat dadalhin ng Diyos ang bawat gawa sa paghuhukom, pati ang bawat lihim na bagay, maging ito'y mabuti o masama.
Kasalukuyang Napili:
ECLESIASTES 12: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: