ESTHER 7
7
Si Haman ay Binitay
1Kaya't ang hari at si Haman ang pumunta sa kapistahan na kasama ni Reyna Esther.
2Nang ikalawang araw, samantalang sila'y umiinom ng alak, muling sinabi ng hari kay Esther, “Ano ang iyong kahilingan, Reyna Esther? Ibibigay iyon sa iyo. Ano ang iyong kahilingan? Kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob sa iyo.”
3At sumagot si Reyna Esther, “Kung ako'y naging mabuti sa iyong paningin, O hari, at kung kalulugdan ng hari, ipagkaloob sa akin ang aking buhay ayon sa aking pakiusap at ang aking mga kababayan ayon sa aking kahilingan.
4Sapagkat kami ay ipinagbili, ako at ang aking bayan upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin. Kung kami ay ipinagbili lamang bilang mga aliping lalaki at babae, ako'y tumahimik na sana, sapagkat ang aming kapighatian ay hindi dapat ihambing sa mawawala sa hari.”
5Nang magkagayo'y sinabi ni Haring Ahasuerus kay Reyna Esther, “Sino siya, at saan naroon siya na mag-aakalang gumawa nang ganito?”
6Sinabi ni Esther, “Ang isang kaaway at kalaban! Itong masamang si Haman!” Nang magkagayo'y natakot si Haman sa harapan ng hari at ng reyna.
7At ang hari ay galit na tumayo at iniwan ang kapistahan ng alak at pumunta sa halamanan ng palasyo; ngunit si Haman ay nanatili upang ipagmakaawa ang kanyang buhay kay Reyna Esther, sapagkat nakita niya na may kasamaang ipinasiya laban sa kanya ang hari.
8Nang magkagayo'y bumalik ang hari mula sa halamanan ng palasyo patungo sa lugar kung saan sila umiinom ng alak, habang si Haman ay nakasubsob sa upuan na kinaroroonan ni Esther. Sinabi ng hari, “Kanya bang gagawan ng masama ang reyna sa harapan ko, sa sarili kong bahay?” Pagkalabas ng mga salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Haman.
9Nang magkagayo'y sinabi ni Harbona, na isa sa eunuko na nasa harapan ng hari, “Ang bitayan na may limampung siko ang taas, na ginawa ni Haman para kay Mordecai, na ang salita ay siyang nagligtas sa hari, ay nakatayo sa bahay ni Haman.” At sinabi ng hari, “Bitayin siya roon.”
10Kaya't binigti nila si Haman sa bitayan na inihanda niya para kay Mordecai. At humupa ang poot ng hari.
Kasalukuyang Napili:
ESTHER 7: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: