ESTHER 9
9
Natalo ng mga Judio ang Kanilang Kaaway
1Sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, na siyang buwan ng Adar, nang ang utos at pasiya ng hari ay malapit nang ipatupad, nang araw na iyon na inaasahan ng mga kaaway ng mga Judio na makapaghari sila sa kanila, ngunit ito ay binago upang maging araw na ang mga Judio ang siyang maghahari sa kanilang mga kaaway,
2ang mga Judio ay nagtipun-tipon sa kanilang mga lunsod sa lahat ng lalawigan ni Haring Ahasuerus, upang patayin ang mga naghahangad ng kanilang kapahamakan. Walang makatalo sa kanila, sapagkat ang pagkatakot sa kanila ay dumating sa lahat ng mga tao.
3Lahat ng mga pinuno ng mga lalawigan, mga gobernador, mga tagapamahala, at ang mga pinuno ng kaharian, ay tumulong sa mga Judio; sapagkat ang takot kay Mordecai ay dumating sa kanila.
4Sapagkat si Mordecai ay makapangyarihan sa bahay ng hari, at ang kanyang katanyagan ay lumaganap sa lahat ng mga lalawigan, sapagkat ang lalaking si Mordecai ay lalo pang naging makapangyarihan.
5Kaya't pinagpapatay ng mga Judio ang lahat ng kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng tabak at pinuksa sila, at ginawa ang maibigan nila sa mga napopoot sa kanila.
6At sa kabisera ng Susa ay pumatay at pumuksa ang mga Judio ng limang daang lalaki,
7at pinatay rin sina Forsandata, Dalfon, Asfata,
8Forata, Ahalia, Aridata,
9Farmasta, Arisai, Aridai, at Vaizata,
10na sampung anak ni Haman, na anak ni Amedata, na kaaway ng mga Judio; ngunit hindi nila ginalaw ang mga samsam.
11Nang araw na iyon ang bilang ng napatay sa kabisera ng Susa ay iniulat sa hari.
12At sinabi ng hari kay Reyna Esther; “Sa Susa na kabisera, ang mga Judio ay pumatay ng limang daang lalaki at ng sampung anak ni Haman. Ano kaya ang kanilang ginawa sa ibang mga lalawigan ng hari? Ngayon, ano pa ang iyong pakiusap? Ipagkakaloob sa iyo. Ano pa ang iyong kahilingan? Iyon ay gagawin.”
13Nang magkagayo'y sinabi ni Esther, “Kung ikalulugod ng hari, ipahintulot sa mga Judio na nasa Susa na gawin din bukas ang ayon sa utos sa araw na ito, at ang sampung anak ni Haman ay ibitin sa bitayan.”
14At iniutos ng hari na ito ay gawin; ang utos ay ipinalabas sa Susa, at ang sampung anak ni Haman ay ibinitin.
15Ang mga Judio na nasa Susa ay nagtipon din nang ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar, at kanilang pinatay ang tatlong daang lalaki sa Susa ngunit hindi nila ginalaw ang mga samsam.
16At ang ibang mga Judio na nasa mga lalawigan ng hari ay nagtipon din upang ipagsanggalang ang kanilang buhay, at nagkaroon ng kapahingahan sa kanilang mga kaaway, at pumatay ng pitumpu't limang libo sa mga napopoot sa kanila, ngunit hindi nila ginalaw ang mga samsam.
17Ito'y nang ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar, at nang ikalabing-apat na araw ay nagpahinga sila, at ginawang araw ng kapistahan at kasayahan.
18Ngunit ang mga Judio na nasa Susa ay nagtipon nang ikalabintatlo at ikalabing-apat na araw; at nang ikalabinlimang araw ay nagpahinga sila, at ginawa iyon na araw ng kapistahan at kasayahan.
19Kaya't ipinagdiwang ng mga Judio sa mga nayon na naninirahan sa mga bayang walang pader ang ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar bilang araw ng kasayahan at kapistahan. Sa araw na iyon ay nagpadala sila ng handog na pagkain para sa isa't isa.
Ang Pista ng Purim ay Ginawa
20Itinala ni Mordecai ang mga bagay na ito, at nagpadala ng mga sulat sa lahat ng Judio, na nasa lahat ng lalawigan ni Haring Ahasuerus, sa malapit at gayundin sa malayo,
21na ipinagbilin sa kanila na kanilang ipagdiwang ang ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar, at ang ikalabinlima niyon, taun-taon,
22bilang mga araw na nagkaroon ng kapahingahan ang mga Judio sa kanilang mga kaaway, at ang buwan na ang kapanglawan ay naging kasayahan para sa kanila, at mula sa pagtangis ay naging mga araw ng kapistahan. Gagawin nila ang mga iyon na mga araw ng pagsasaya at kagalakan, mga araw para sa pagdadala ng mga piling bahagi ng handog na pagkain para sa isa't isa at kaloob para sa mga dukha.
23At ginawang kaugalian ng mga Judio ang bagay na kanilang sinimulan, at gaya ng isinulat ni Mordecai sa kanila.
24Si#Est. 3:7 Haman na anak ni Amedata na Agageo, na kaaway ng lahat na Judio ay nagbalak laban sa mga Judio upang lipulin sila, at pinagpalabunutan ang Pur, upang durugin, at lipulin sila.
25Ngunit nang si Esther ay humarap sa hari, siya ay nagbigay ng utos na nakasulat na ang kanyang masamang balak laban sa mga Judio ay mauwi sa kanyang sariling ulo; at siya at ang kanyang mga anak ay dapat ibitin sa bitayan.
26Kaya't kanilang tinawag ang mga araw na ito na Purim, ayon sa katagang Pur. Iyon ay dahil sa lahat ng nakasulat sa sulat na ito, at dahil sa naranasan nila sa bagay na ito, at dahil sa lahat ng dumating sa kanila,
27ang mga Judio ay nagpasiya at nangako sa kanilang sarili at sa kanilang mga anak, at sa lahat ng umanib sa kanila, na walang pagsalang kanilang ipagdiriwang ang dalawang araw na ito ayon sa nakasulat, at ayon sa panahong itinakda taun-taon.
28Ang mga araw na ito ay aalalahanin at ipagdiriwang ng bawat salinlahi, sa bawat angkan, lalawigan, at lunsod. At ang mga araw na ito ng Purim ay hindi lilipas sa mga Judio, o ang alaala man sa mga iyon ay lilipas sa kanilang mga anak.
29Nang magkagayo'y si Reyna Esther na anak ni Abihail, at si Mordecai na Judio, ay nagbigay ng buong nakasulat na kapamahalaan, upang pagtibayin ang ikalawang sulat tungkol sa Purim.
30Ang sulat ay ipinadala sa lahat ng mga Judio, sa isandaan at dalawampu't pitong lalawigan ng kaharian ni Ahasuerus, na may mga salita ng kapayapaan at katotohanan,
31na ang mga araw na ito ng Purim ay ipagdiwang sa kanilang mga takdang panahon, ayon sa ibinilin sa mga Judio nina Mordecai na Judio at ni Reyna Esther, at ayon sa kanilang ipinasiya sa kanilang sarili at para sa kanilang mga anak, tungkol sa kanilang mga pag-aayuno at pagdaing.
32At pinagtibay ng utos ni Reyna Esther ang mga kaugaliang ito ng Purim, at iyon ay itinala.
Kasalukuyang Napili:
ESTHER 9: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: